icc

Pagpapawalang-bisa sa pagkalas ng Pinas sa ICC, hiniling

National News

Hiniling ng anim na opposition senators sa Korte Suprema na ipawalang bisa ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statue of the International Criminal Court (ICC).

Sa kanilang petisyon, iginiit ng mga senador na walang bisa ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC dahil wala itong pagsang-ayon ng two-thirds na miyembro ng senado.

Kabilang sa mga petitioners sina senators Francis Pangilinan, Franklin Drilon, Bam Aquino, Leila de Lima, Risa Hontiveros at Antonio Trillanes IV.

Ayon sa mga senador, nagmalabis ang executive department nang lumiham ito sa United Nations para ipaalam ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

Nilinaw ng mga senador na walang kapangyarihan ang ehekutibo na magpawalang bisa sa isang batas dahil  ang mandato lang nila ay magpatupad ng batas.

Binalewala naman ng malakanyang ang petisyon ng anim na senado.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na walang legal na basehan ang naturang hakbang ng mga mambabatas.

Iginiit ni Roque na ang punong ehekutibo ang chief architect ng foreign policy ng Pilipinas at kinikilala ito ng mga korte.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *