villar

Sen. Villar, pinakamayaman na senador

National News

Sen. Cynthia Villar naitalang pinakamayan sa lahat ng senador batay sa kanilang isinumiteng SALN.

Pangalawa naman si Senador Manny Pacquiao na may net worth na P2.9-B.

Gayunman, bumaba ito ng P126-M mula sa yaman noong 2016.

Pangatlo si Senador Ralph Recto na may net worth na P539-M habang pang-apat si Senador Juan Miguel Zubiri na may yaman na P152-M.

Panglima naman si Senador Sonny Angara na may net worth na mahigit P130-M.

Sen. Trillanes, pinakamahirap

Pinakamahirap naman sa mga senador si Antonio Trillanes IV.

Batay sa kanyang isinumiteng  SALN, umabot sa mahigit P6.8-M ang yaman nito noong 2017.

Gayunman, bahagya itong mataas kumpara sa net worth niya noong 2016 na mahigit P6.5-M.

Pangalawa naman sa mahirap na senador ang naka-detineng mambabatas na si Leila de Lima na may yaman na P7.9-M.

Habang pangatlo si Senador Francis Escudero na may net worth na P8.5-M.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *