inihahanda

DENR, inihahanda ang ang kaso laban sa mga establisimiyento sa Boracay

Regional

Inihahanda na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasampa ng kaso laban sa tatlumpu’t tatlong establisimiyento sa isla ng Boracay.

Ito’y ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu matapos  matuklasan ng DENR na ang naturang mga establisimiyento ay may mga iligal na tubo na nagtatapon ng maru­ming tubig sa karagatan ng Boracay.

Ayon kay Cimatu, mananagot sa batas ang mga may-ari ng nasabing mga establisimiyento na nagpalala sa kondisyon ng kapaligiran at karagatan sa isla.

Sa ngayon ay binubusisi rin ng mga tauhan ng DENR ang mga tubo ng tubig ng Bolabog Beach upang matiyak na wala itong nilalabag na batas at walang iligal na nakakabit na tubo na nakakonekta sa dagat ng Boracay.

Sen. Villar, itinangging kompanya nila ang nagpatag ng bundok sa Boracay

Mariing itinanggi ni Senador Cynthia Villar na kompanya nila ang nagpatag ng isang bundok sa Boracay upang pagtayuan ng condominium project.

Ginawa ni Villar ang pahayag sa taunang cooking competition sa Las Piñas City.

Sinabi ni Villar na bilang isang public servant ay nananatili ang kaniyang pagnanais na proteksyunan ang kalikasan.

Ayon kay Villar, matagal na nilang ipinatigil ang lahat ng pagsasaayos sa kanilang investment sa Boracay.

Una nang napaulat na isang bundok umano sa Boracay ang pinatag ng walang permiso para pagtayuan ng isang resort na pag-aari umano ng pamilya ni Villar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *