largest zumba

Largest Zumba class ng CamSur, kinilala ng GWR

Regional

Nasungkit ng Camarines Sur ang Guinness World Record para sa Largest Zumba Class sa buong mundo.

Umabot sa halos 17,000 katao ang nakiisa sa isinagawang Grand Zumba kontra droga sa Capitol Compound sa Barangay Cadlan, Pili, Camarines Sur.

Kabilang sa mga dumalo ang mga tauhan ng Philippine Army (PA), Philippine National Police (PNP), iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga private sector  na sabay-sabay sumayaw sa loob ng tatlumpung minuto.

Ayon kay Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte, na layon ng nasabing programa na makiisa sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Natalbugan ng Camarines Sur ang Mandaluyong City na mayroong mahigit 12,000 na mga kalahok para sa largest Zumba class.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *