West Ph Sea

Pagdeploy ng bomber planes sa West Ph Sea, hindi ikinukonsiderang ‘threat’

National News

Hindi banta ang China sa seguridad pagdating sa pinagtatalunang teritoryo na West Ph Sea.

Ito ang iginiit ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kasunod ng napabalitang pagde-deploy ng China ng bomber planes sa West Philippine Sea maliban pa sa unang dineploy nitong missiles system.

Ani Roque, pinanghahawakan ng Malakanyang ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China kung kaya isusulong pa rin nito ang mapayapang resolusyon sa territorial dispute.

Gayunpaman, hindi babalewalain ng gobyerno ang naging hakbang na ito ng China.

Posible namang idulog ng pamahalaan sa Hunyo ang naturang isyu sa isang bilateral mechanism kasama ang China.

Relasyon ng Pilipinas at Amerika, nananatiling matatatag

Samantala, isang pagpapakita na nanatiling matatag pa rin ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika sa naganap na pakikipagpulong ng matataas na opisyal ng pamahalaan sa US Paci Command nitong weekend.

Ang pakikipficagpulong ng mga opisyal ng pamahalaan at ng US Pacific Command na ginanap sa Hawaii ay isang patunay na hindi tumatalikod ang Pilipinas sa pakikipagkaibigan nito sa Amerika ito ay sa kabila ng independent foreign policy na ipinatutupad ng Duterte Administration.

Para sa Malakanyang, matagal nang traditional ally ng Pilipinas ang Amerika at ang pagbisita ng mga top government officials ng Pilipinas sa Estados Unidos ay para bigyang halaga ang security cooperation.

Ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na nakipagpulong sa US Pacific Command ay sina Executive Secretary Salvador  Medialdea, Foreign Secretary Alan Peter Cayetano, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Department of Interior and Local Government (DILG) OIC-Secretary Eduardo Año, Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez, at Permanent Representative to the United Nations Teodoro Locsin, Jr.

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *