UMALI

Rep. Umali, takot ituloy ang impeachment vs Sereno

National News

Tila natatakot umano si House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na ituloy ang impeachment proceeding laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Akbayan Party List Rep. Tom Villarin, “act of cowardice” ang planong ihinto ang impeachment trials kontra kay Sereno.

Sinabi ng kongresista na hindi dapat matakot si Umali kung may ebidensyang susuporta sa impeachment complaint laban sa dating punong mahistrado.

Iginiit ni Villarin na ang impeachment pa rin ang tanging paraan para maalis sa puwesto ang isang impeachable official gaya ng chief justice.

Pacquiao, hindi lumagda sa draft resolution na kumukuwestyon sa quo warranto

Tumanggi si Senador Manny Pacquiao na lumagda sa draft resolution na kumukuwestyon sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto.

Sinabi ni Pacquiao na nirerespeto niya ang desisyon ng Supreme Court sa pagtanggal kay Sereno.

Ayon sa senador, disrespectful sa batas kung hindi pagtitiwalaan ang desisyon ng mga hurado sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Una nang nilagdaan ng labing apat na senador kabilang sina Senate Presidente Koko Pimentel, Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senate Minority Leader Franklin Drilon na humihiling sa Korte Suprema na rebyuhin ang desisyon sa pagpapatalsik kay Sereno.

Nanindigan din ang mga senador na sa pamamagitan ng impeachment lamang maaaring matanggal ang isang constitutional official.

Ngayong linggo, inaaasahang paged-debatehan sa plenaryo ang nasabing resolusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *