super junior

Super Junior, mag co-concert ulit sa Pinas

Showbiz

Muling darating sa bansa ang Korean group Super Junior para sa kanilang concert tour na “Super Show 7”.

Kabilang sa mga miyembro ng super junior na inaasahang darating ay sina Leeteuk, Siwon, Donghae, Eunhyuk, Heechul, Yesung at Shindong.

Maliban sa pagdala ng kanilang brand of music sa Maynila ay layunin din ng grupo na mai-promote ang kanilang latest album na “Play”.

Huling nagkonsyerto ang grupo sa Maynila nakaraang 2013 para sa Super Show 5.

Gaganapin naman ang kanilang Super Show 7 sa June 30, sa Mall of Asia Arena (MOA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *