teritoryo

Teritoryo sa West PH Sea, dapat depensahan

National News

Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na dapat depensahan ng gobyerno ng Pilipinas ang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos mapaulat ang pagpapadala ng Beijing ng bomber aircraft sa ilang mga isla sa pinag-aagawang teritoryo ng karagatan.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na dapat nang humingi ng tulong ang gobiyerno ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa upang mapigilan ang China sa paglalagay ng missile system sa bahagi ng Paracyl Group sa Spratly Island.

Ayon kay Pimentel, hindi dapat magbulag-bulagan ang malakanyang sa militarisasyon ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang Department of Foreign Affairs kaugnay sa isyu.

Pangulong Duterte, handa na sa pagbisita nito sa Pag-Asa Island

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin ang Pag-Asa Island sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pupuntahan ni Pangulong Duterte ang naturang isla sa loob ng kaniyang termino.

Ito’y upang ipakita sa buong daigdig na pag-aari ng pilipinas ang kalayaan island.

Kasabay din ng pagpunta duon ng pangulo ang pagdalaw sa mga sundalo na naninirahan na sa naturang isla.

Una nang binisita ni Duterte ang Philippine Rise sa paggunita ng isang taon na pagpapalit ng pangalan nito mula sa Benham Rise.

Sa ngayon ay ipinaayos na ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang 1.3 kilometer airstrip sa Kalayaan Island para hindi maging delikado sa pag-landing ng mga military planes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *