boracay sa oktubre

Bagong Boracay, asahan sa Oktubre

Regional

Inaasahang isang bagong Boracay ang masasaksihan pagdating ng buwan ng Oktubre ng taong kasalukuyan.

Ito ang inihayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu kasabay ng selebrasyon ng International Day of Biological Diversity sa National Museum sa Maynila.

Ani Cimatu, hindi siya papayag na mabuksang muli ang Boracay na wala sa standard ang quality ng tubig doon.

Kasunod nito, nire-require ni Sec.  Cimatu ang lahat ng may-ari ng hotels na mayroong limampung rooms pataas na mag-install ng kanilang sariling sewerage treatment plants.

Una rito, marami pang problema ang natuklasan ng DENR sa isinagawa nitong inspeksyon sa nagpapatuloy na rehabilitasyon sa Boracay.

70 manhole, nadiskubre

Tinatayang nasa 70 manhole o ang sewerage system ang nadiskubre sa bahagi ng isla na bawal pagtayuan ng istraktura.

Lagpas naman sa acceptable concentration ang coliform bacteria level ng tubig mula sa tubo.

Giit pa ni Cimatu, sisikapin nilang mabigyan ng solusyon ang tumataas na lebel ng naturang bacteria maging ang iba pang nakitang problema sa isla.

Dagdag pa ng DENR chief, napakahalaga naman ng wetlands dahil ito aniya ay nagsisilbing ‘kidney’ ng ating kalikasan.

Pagtakda sa buwan ng Oktubre, posibleng lumawig pa

Posible namang imungkahi ni Cimatu ang pagpapalawig ng rehabilitasyon sa Boracay.

Hangga’t hindi pa maso-solusyunan ang mataas ang coliform level sa tubig ay palalawigin pa ang rehabilitasyon nito .

Samantala, ibinida naman ni Cimatu sa pagdiriwang ng International Day of Biological Diversity (IDBD) na ang Pilipinas ay mayroong 214 na protected areas, 7 ramsar sites, 5 migratory species sites at 8 heritage sites.

Nagbigay ng kanyang welcome remarks si Mr. Jeremy Barns, Director ng National Museum of the Philippines na sinundan naman ng keynote message ni Environment Secretary Roy A. Cimatu.

Nagtapos ang programa sa isang mensahe mula Kay Biodiversity Management Bureau (BMB) Director Crisanta Marlene Rodriguez.

Ang IDBD ay ipinagdiriwang tuwing ika-22 ng Mayo para gunitain ang adoption ng convention on biological diversity.

Ulat Ni: Cresilyn Catarong

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *