manalo

Bansang pinapadalhan ng mga OFW, dapat ay may umiiral na international convention giit ni Manalo

Section

Iginiit ni House Committee on Overseas Filipino Workers Chairman Jesulito Manalo na dapat ay may umiiral na international convention ang isang bansa na pinadadalhan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWS).

Ayon kay Manalo, dapat tiyakin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na mayroong existing bilateral agreement ang mga bansang pinapadalhan ng manggagawang Pinoy.

Nakasaad sa kanyang inihaing House Resolution 1829 ang matiyak na hindi na maulit ang sitwasyon ng mga naabuso at napatay na OFWs sa Kuwait.

Hiniling din ng kongresista sa kamara na talakayin ang diplomatic protocols ng mga bansa sa pagbibigay proteksyon sa mga OFWs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *