P50-B, kailangang pondo para sa Marawi City

Regional

Kailangan ng mahigit limampung bilyong piso ng pamahalaan para sa kabuuang rehabilitasyon ng Marawi City.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Adoracion Navarro, ngayon taon lamang ay higit 26 bilyong piso ang kakailanganin habang ang nalalabing higit 27 bilyong piso ay gagastusin sa susunod na taon hanggang 2022.

Sinabi ni Navarro na bukod sa badyet mula sa pamahalaan ay magmumula rin ang pondo sa mga donasyon ng pribadong sektor, non-government agencies, iba pang non-profit organizations at sa Official Development Assistance (ODA).

Posible din aniyang madagdagan pa ang kakailanganing pondo dahil magsasagawa rin sila ng mga workshops.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *