resistance

Resistance Coalition, pambato ng Oposisyon sa 2019 midterm elections.

National News

Bubuo ng resistance slate ang minorya ng senado para sa 2019 midterm elections.

Ito ang sinabi ni Liberal Party (LP) President Senator Francis Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, nasa proseso na sila ng pagpili ng mga pangalan para sa kanilang slate.

Kabilang naman aniya sa ikinokonsidera nila sa 2019 senate slate ay sina Senador Bam Aquino, De la Salle College of Law Dean Jose Manuel Diokno, dating representative at LP Internal Affairs Vice President Lorenzo “Erin” Tañada III.

Gayundin sina Magdalo Representative Gary Alejano, dating Akbayan Representative Barry Gutierrez at aktres na si Agot Isidro.

Sinabi ni Pangilinan na kinukumbinse pa rin nila si Isidro.

Malakanyang, sinabihan ang pambato ng LP sa senado ng ‘Good Luck’

Nag-iwan lamang ng mensaheng “good luck” si Presidential Spokesperson Harry Roque sa kampo ng Partidong Liberal.

Ito’y makaraang napabalitang posibleng isali ng Liberal Party ang aktres na si Agot Isidro sa kanilang senatorial slate para sa 2019 elections.

Nabatid na naging aktibo si Isidro sa vocal online na pagtutol laban sa Administrasyong Duterte.

Una rito, inanunsyo ng LP president na si Senador Francis Pangilinan ang anim na kandidato na kabilang sa 2019 senatorial elections.

Kabilang sa tinatawag na ‘Resistance Coalition’ si re-electionist Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino, kasama rin sina dating Quezon Representative Erin Tañada, Free Legal Assistance Group (FLAG) Chairman Chel Diokno, Magdalo Party List Representative Gary Alejano, at dating Akbayan Party List Representative Barry Gutierrez.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *