sinibak

Transportation Asec. Tolentino sinibak na sa pwesto

National News

Sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Assistant Secretary for Railways Mark Tolentino ng Department of Transportation (DOTr).

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa Malakanyang na sinibak si Tolentino sa puwesto dahil sa pakikipag-usap nito sa kamag-anak ng president upang humingi ng pabor.

Iginagalang ang desisyon ng pangulo

Nirerespeto naman ni Assistant Secretary for Railways Mark Tolentino ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ito sa puwesto.

Sa isang pahayag ni Tolentino, nananatili pa rin aniya ang kanyang suporta sa pangulo sa paglaban sa isyu ng korapsyon at pagpapanatili ng interest ng mga taga-mindanao.

Samantala, welcome naman para sa Department of Transportaion (DOTr) ang pagsibak kay Tolentino.

Ayon sa DOTr, hindi nila hahayaan at kukunsintihin ang sinuman sa kanilang mga tauhan na nasasangkot sa korasyon.

Sinibak naman sa puwesto si Tolentino bunsod na dahil sa pakikipag-usap nito sa kamag-anak ng presidente kaugnay ng Mindanao Railway Project.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *