PPSC

Pangulong Duterte, dismayado sa PPSC

National News

Hindi na masaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangangasiwa ng Philippine Public Safety College  (PPSC) sa training ng mga nais maging pulis.

“And I must admit that until now, we have so many problems involving the police.

And we are struggling to correct things.

We have… I’ve chosen the best of the disciplinarians and known people who are really very strict in the military ways.

I think that I might return the training itself and the militaristic activity training of the police back to the PNP itself.

It has not done good since we transfer it to a Public Safety.

With due respect to General de Leon who was assigned in Davao City before.”

– President Rodrigo Duterte at the Philippine Navy Anniversary

Para kay pangulong Duterte hindi na umuubra ang training ng PPSC dahil sa mga kwestiyunableng mga nakakapasok sa PNP na nakakasira lang sa institusyon.

Pagkukulang ng PPSC

Ipinunto din ng pangulo ang pagkukulang ng PPSC sa pagsasagawa ng background check.

At iba pang protocol upang matiyak na magandang kalibre ng pulis na makapasok sa serbisyo.

Matatandaang ilang beses ng pinuna ang paraan ng recruitment at training ng mga pulis.

Marami sa mga bagitong pulis ay sangkot sa iba’t ibang klase ng iligal na gawain.

Ulat Ni: Hanna Jane Sancho

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *