Bagong chairman ng Philhealth, hiniling

National News

Kailangang magtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bago at permanenteng chairman ng Philhealth.

Ito ang rekomendasyon ni Senador JV Ejercito matapos mabahala sa financial statements ng Philhealth sa nakalipas na dalawang taon.

Sinabi ni Ejercito na nagkaroon ng mismanagement ang Philhealth dahil walang pre-audit ang ahensya.

Aniya, posibleng may mafia sa Philhealth fraudulent claims kaya’t makabubuting pag-aralan na ng ahensya ang kanilang sistema.

Ayon sa senador, bagaman iginiit ng Philhealth na nag-negatibo sila ng apat na bilyong piso at nagkaroon ng double-entry ay malaking halaga pa rin ito lalo’t nasa pinal na proseso na ang pagpasa ng Universal Health Care Program na isa sa prayoridad ng pangulo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *