naisahan

Liderato ng Senado, hindi naisahan ng Korte Suprema

National News

Hindi naniniwala si Senate President Tito Sotto na naisahan sila kasama na ang mababang kapulungan ng Kongreso sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Sotto, nagkataon lang na hindi nila inaasahan na mauunang paboran ng Korte ang quo warranto petition na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno.

Giit pa ni Sotto, mga sabi sabi nalang aniya ang kritisismo na naungusan o inagawan ng papel ang Senado bilang impeachment court para maalis sa puwesto si Sereno.

Dagdag pa nito, tanging mga politiko lang na gustong sumalang sa impeachment proceeding ang nadismaya sa maagang pagkakaalis kay Sereno sa Korte Suprema.

Sa kabila nito, ay may posibilidad naman na matalakay pa sa Senado ang quo warranto petition kay Sereno batay sa ipinilang resolusyon ng minorya sa Senado.

Pero hindi aniya ito garantiya na mabago pa ang desisyon ng korte laban kay dating Chief Justice Sereno.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *