smuggled

P36.5-M halaga ng smuggled na sibuyas at carrots, nasabat ng BOC

Metro News

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang pitong container van na naglalaman ng smuggled na agricultural products at sigarilyo sa Manila International Container Port (MICP).

Tinatayang aabot sa 36.5 milyong piso ang halaga ng mga nakumpiskang kargamento mula sa China.

Ayon sa BOC, ilan sa mga container van ay naglalaman ng kahon-kahong mansanas pero nang halungkatin ay tumambad ang mga sibuyas at carrots.

Kadalasan ay inilalagay sa ilalim ng mga kahon ng mansanas ang mis-declared products dahil tax-free ang mga ito.

Kakasuhan ng paglabag sa Customs law ang mga consignee ng kargamento.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *