election expenditure

Pagpapataas sa election expenditure, aprubado na

National News

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang pagtaas ng awtorisadong mga gastos sa kampanya ng mga kandidato at partido sa bawat eleksyon.

Walang ni isa mang kongresista ang tumutol sa pagpasa sa House Bill 7295 na inakda ni Quezon City Representative Feliciano Belmonte, Jr.

Inamyendahan ng panukala ang Republic Act No. 7166.

Nakasaad sa panukala ang awtorisadong halaga na maaaring gastusin ng isang kandidato para sa kampanya para sa bawat botante.

Para sa mga kandidato sa pagka-pangulo maaari itong gumastos ng P50.00 habang P40.00 naman para sa bise presidente.

Habang P30.00 naman sa mga senador, congressman, gobernador, bise gobernador, board members, mayor, vice mayor at konsehal.

P10.00 naman para sa mga partido partylist ang maaaring gastusin sa bawat botante.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *