sanofi pasteur

PAO, idiniin ang Sanofi Pasteur kaugnay sa dengvaxia

National News

Isinumite ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Department of Justice (DOJ) ang mga dokumento na nagpapatunay na inamin ng Sanofi Pasteur na mapanganib ang dengvaxia vaccine.

Sa pagdinig ng DOJ, binigyang-diin ng PAO na inamin na ng manufacturer na Sanofi noon pang 2015 ang tungkol sa negatibong epekto ng dengvaxia.

Ayon kay PAO Chief Attorney Perida Acosta, sa kabila ng pag-amin ng Sanofi ay itinuloy pa rin ng Department of Health ang pagbili sa bakuna na itinurok sa mahigit walong daang libong kabataan.

Bigo namang makadalo sa pagdinig ang mga respondent na sina Health Secretary Francisco Duque at dating Health Secretary Janet Garin.

Muling itinakda ang susunod na pagdinig sa June 25.

Health Sec. Duque, at Garin pinagpapaliwanag ng DOH

Pinagkokomento ng Department of Justice sina Health Secretary Francisco Duque at da­ting Health Secretary Janette Garin sa kasong isinampa laban sa kanila kaugnay sa pagkamatay ng ilang bata na naturukan ng dengvaxia vaccine.

Binigyan ng hanggang June 24 sina Duque at Garin para magsumite ng kanilang counter affidavits.

Bukod sa mga health officials, kasama ring inireklamo ang drug manu­facturer na Sanofi Pasteur at local distri­butor na Zuellig Pharma at iba pang opisyal ng DOH.

Nahaharap ang mga respondents sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa anti-torture law.

Ulat ni: Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *