South Eastern Coast

Mga Pinoy Sa South Eastern Coast ng Amerika, pinag-iingat sa Bagyong Alberto

International News

Patuloy pa rin na pinag-iingat ngayon ng Department of Foreign Affairs ang mga pilipino sa South Eastern Coast ng Amerika sa mararanasang pag-landfall ng tropical storm sa Florida, Alabama at Mississippi.

Ayon sa DFA tinututukan na rin ngayon ng embahada ng Pilipinas sa Washington ang mga  Filipino Community kung saan inabisuhan na rin ang mga ito  para sa dobleng paghahanda at pag-iingat sa inaasahang malakas na hampas ng hangin dulot ng bagyo, pagbaha at tornadoes.

Ang Bagyong Alberto ang kauna-unahang bagyo na pinangalanan para sa 2018 Atlantic Hurricane Season sa lugar.

Nasa 179,647 ang bilang ng mga Pilipino sa lugar kabilang na dito ang 151,376 na mga Filipino sa Florida; 14,409 sa Tennessee;  8,244 sa  Alabama; at  5,683 in Mississippi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *