PBA All Star

Dating rekord sa PBA All Star, burado sa 2018 Edition

Sports

Binura ng katatapos lang na 2018 edition ang ilan sa mga rekords ng PBA All Star.

Sa laro nito sa Smart All-Stars kontra Luzon All-Stars sa Batangas City, binura ni Terrence Romeo ng TNT KaTropa sa pamamagitan ng kanyang 48 points ang rekord nina Dylan Ababou at James Yap na kapwa nakakuha ng 44 na puntos noong 2012.

Nabasag naman ni Calvin Abueva ng Alaska sa pamamagitan ng kanyang 27 rebounds ang record ng may pinakamaraming rebounds sa isang All-Star Game.

Pangalawa at pangatlong player naman sa kasaysayan na nakakuha ng triple doubles sa isang All-Star Game sina Jio Jalalon ng Magnolia at Jericho Cruz ng TNT sa laro nila sa Iloilo City noong Linggo.

Si Jalalon ay nakakuha ng 12 points, 11 rebounds, at 10 assists habang si Cruz naman ay nakakuha ng 20 points, 14 rebounds, at 11 assists.

Taong 2007, unang nakapag-rehistro si Willie Miller ng triple double sa All-Star Game sa Baguio City.

Ang pagkapanalo naman ni James Yap sa 3 points shoot-out ngayong taon ang naglagay sa kanya bilang pinakamatandang nanalo sa naturang event.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *