Korea National Police

PNP, pinagkalooban ng 130 patrol cars ng Korea National Police

National News

Personal na tinanggap ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang nasa 130 patrol car na ipinagkaloob ng Korea National Police.

Isinagawa naman ang turnover ng 49 units ng Hyundai Elantra at 81 units ng Starex van sa Camp Karingal sa Quezon City.

Pinangunahan naman nina Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man at Commissioner General KNPA Lee Chul-Sung ang pagkakaloob ng mga naturang sasakyan sa PNP.

Inaasahan naman na makatutulong ang mga naturang sasakyan sa pagbibigay seguridad ng pulisya sa publiko.

Pangulong Duterte, bibisita sa South Korea

Biyaheng South Korea (SoKor) si Pangulong Rodrigo ngayong darating na June 3-5.

Sa pagbisita ng pangulo sa naturang bansa, layon nitong talakayin sa South Korean leader ang pagpapalakas ng defense cooperation, security, at tourismo ng dalawang bansa.

Magkakaroon rin ng bilateral talks ang pangulo kay South Korean President Moon Jae-In.

Ito naman ang unang pagkakataon na bibiyahe ang pangulo sa SoKor.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *