tuloy

Trump-Kim summit, tuloy sa susunod na buwan

International News

Tuloy ang pulong nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un sa susunod na buwan.

Inatasan ni Trump ang kanyang advisers na ituloy ang paghahanda sa summit na gaganapin sa Singapore sa June 12.

Bilang pagtalima sa direktiba, nagtungo na ang US team of negotiators sa kahabaan ng Korean demilitarized zone para kausapin ang mga opisyal ng North Korea.

Nasa Singapore na rin ang team ng US logistics officials para sa preparasyon sa summit at inaasahan na rin ang pagdating ng mga kinatawan mula sa Pyongyang.

Dahil sa anunsyo ng US President ay humupa ang political tensions at lumakas ang dolyar.

Una nang kinansela ni Trump ang pulong, apat na araw na ang nakalilipas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *