Brigada Eskwela

VP Robredo, nakiisa sa Brigada Eskwela

Metro News

 

Nakiisa si Vice President Leni Robredo at ang kanyang mga staff sa Brigada Eskwela sa Wawa Elementary School sa Navotas City.

Ang naturang paaralan ay isa sa mga least reached public schools sa Navotas na may pitong daang nag-enroll na mga estudyante.

Sa mensahe ni Robredo, binigyang-diin nito ang importansya ng pagpupursige ng gobyerno na lumago ang education system sa bansa sa pamamagitan ng Brigada Eskwela ng Department of Education (DEPED).

Samantala, ibinahagi ni Robredo ang iba’t ibang problema sa mga paaralan na kanyang nakita sa kada lugar.

Ayon sa bise presidente, karaniwang problema sa Metro Manila ay ang kawalan ng espasyo ng pagtatayuan ng mga paaralan.

Sa mga probinsya naman ay ang distansya ng mga paaralan kung saan inaabot pa ng isa o dalawang oras ang mga estudyante sa paglalakad bago makarating sa paaralan.

Gayunman, magkakaloob ng tulong ang Office of the Vice President ng Brigada Eskwela packages at tulong na mula naman sa Angat Buhay Partners nito na nagkakahalaga ng mahigit limang daang libong piso (P541, 996) para sa school beneficiaries.

Sa isinagawang Brigada Eswela sa Wawa Elementary  School ay nakiisa rin kasama naman ni VP Robredo si Navotas City Mayor John Rey Tiangco at non-government organization o NGO partners.

Ulat ni: Cresilyn Catarong

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *