eskwela

DepEd, handa na sa pagbalik-eskwela ng mga estudyante

National News

Nakaalerto na ang Department of Education (DEPED) para sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Lunes, June 4.

Tinatayang aabot sa 27.7 milyon ang bilang ng mga estudyante ang inaasahang bubuhos sa unang araw ng pasukan.

Sa tala ng DEPED, pinakamarami ang nagpatalang estudyante sa elementary level na higit 12.6 milyon, habang 6.7 million naman sa high school.

Samantalang nasa 1.4- million naman sa senior high school o grade 11 at 12.

Inaasahang lolobo pa ang nasabing bilang sa mismong araw ng pasukan dahil sa mga late enrollees.

Muling nilinaw ng DEPED na walang babayarang school fees sa pag-enrol ng mga estudyante maliban sa Boy Scout at Girl Scout membership.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *