dagdag sahod

Mga manggagawa, humirit ng dagdag sahod

National News

Humirit din ng dagdag sahod ang mga manggagawa ng gobyerno.

Nanawagan ang Confederation for Unity and Advancement of Government Employees (COURAGE) na napapanahon na ring itaas ang sahod ng mga government workers.

Ayon sa COURAGE, apektado rin ng pagtaas ng mga bilihin at bayarin sa tubig at kuryente ang mga kawani ng gobyerno.

Nais ng COURAGE na gawing P16, 000.00 ang minimum wage ng mga kawani ng pamahalaan mula sa P10,510.00 na kasalukuyang buwanang sahod nito, para sa disente at maayos na pamumuhay.

Inihayag ng COURAGE na ang pinakamababang manggagawa ng gobyerno ay tumatanggap ng P477.20 kada araw na mas mababa sa P512.00 bawat araw ng isang private employee.

Sahod sa bawat rehiyon, hindi maaaring magkapareha

Nilinaw ni Labor secretary Silvestre Bello III na dedepende ang sahod ng mga manggagawa sa economic activity sa partikular na rehiyon.

Inihalimbawa nito ang mas mataas na minimum wage sa Metro Manila kumpara sa Eastern Visayas dahil sa antas ng mga negosyo rito.

Sinabi ng kalihim na tinatalakay na ng Regional Wage Boards ang posibleng adjustment sa minimum pay at kakailanganin dito ang matinding pagbalanse.

Kinumpirma rin ni Bello na iaanunsyo sa Hunyo ang umento sa sahod  matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang minimum wage review sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *