bbl

Panukalang BBL, aprubado na sa Senado at Kamara

National News

Aprubado na sa Senado at Kamara ang kanilang mga bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

May 31 ng madaling araw ang maaprubahan ng 21 senador ang Senate Bill 1717 o “An Act Providing for the Basic Law for the Bangsamoro and Abolishing the Autonomous Region in Muslim Mindanao.”

Hindi naman nakaboto sina Senador Leila de Lima, na nakakulong sa Camp Crame at Senador Manny Pacquiao na kasalukuyang nag-eensayo para sa kanyang darating na laban.

Una nito,naipasa rin ng Kamara ang kanilang sariling bersyon ng BBL Bill.

Kung saan 277 mambabatas ang pumabor, habang 11 ang tumutol at dalawa naman ang hindi bumoto.

Pagkatapos nito ay dadaan pa sa Bicameral Conference Committee hearing ang panukala upang makabuo ng pinal na bersyon ng BBL Bill na siyang lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para ganap na maging batas.

Posibleng sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ng pangulo malalagdaan ang panukala.

Kapayapaan at paglago ng ekonomiya, epekto ng BBL

Tiyak ang malakas na pag-angat ng ekonomiya ng bansa kasabay ng pagkakaroon posibleng tuldok sa ilang dekada ng armed conflict sa Mindanao sakaling maipasa ang panakulang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang naging pananaw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon kasunod na rin ng pagpupursige ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ang Senado at ng Kamara, na maipasa na ang BBL.

Pagbibigay diin pa nito, malaki ang maiaambag ng Mindanao sa ekonomiya ng bansa sakaling maitayo ang ibat ibang proyekto rito kung magiging mapayapa na ang rehiyon

 Ang tingin ko lang, ‘pag matahimik at magawa natin yung ating mga projects sa Mindanao, by my computations na nakukuha ko, we will be up by another 1.5 percent in GNP because of the contributions of Mindanao.” – Hermogenes Esperon, National Security Adviser

 Ulat Ni: MJ Mondejar

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *