Peace Initiatives Forum 2018

Pastor Apollo, pinangunahan ang Peace Initiatives Forum 2018: Leaders’ Summit

Kingdom News

Pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang Peace Initiatives Forum 2018: Leaders’ Summit ng Jose Maria College bilang key note speaker ng naturang okasyon na may Temang ‘Inter-Religious Cooperation As A Global Platform For Universal Peace in Davao City, Philippines.

Dinaluhan naman ang naturang forum ng stakeholders mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad, religious organizations, members of the youth at academe.

Ang Peace Initiatives Forum 2018: Leaders’ Summit ay naglalayong itaas ang importansiya ng kahalagahan ng kapayapaan at upang ipagkaisa ang lahat na bumuo ng peace initiatives at pagyamanin ang kultura ng kapayapaan para sa Pilipinas at para sa mga Pilipino.

Major stake holders, dumalo sa Peace Initiatives Forum 2018: Leaders Summit

Nagsalita rin sa nasabing forum sina:

  • Virgilio Leyretana, Sr. – dating Chairman ng Mindanao Economic Development Council at Southern Philippines Development Authority, Honorary Consul of the Republic of Austria for Mindanao and Sulu
  • Peter Faistauer
  • Ustajanur-Ainee Misuari Tan Lim – anak ni Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari
  • Mohamammad Suaib Ya’cob – Executive Officer ng MILF
  • Jesus Dureza – Presidential Adviser on the Peace Process of the Philippines (OPAPP).

Iginiit ng mga ito na kailangan magsama-sama ang bawat isa upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas.

Pinasimulan naman ni Atty. Israelito Torreon ang Dean Jose Maria College (JMC) College of Law ang round table discussion and dialogue ng forum kung saan nasagot ang ilang mga tanong ng mga manonood.

Pinangunahan rin ng mga speakers kasama si Pastor Apollo ang paglalagda sa peace wall, isang simbolo ng pakiisa ng mga ito sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Ang Peace Initiatives Forum 2018: Leaders’ Summit ay isa lamang sa marami pang programa ng Jose Maria College, College of Law upang matatag ang kapayapaan at mapahalagahan ito.

sonshineradio.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *