biff

Tangkang pagpapasabog ng BIFF, napigilan ng militar

Regional

Napigilan ng tropa ng militar ang tangkang pagpapasabog ng mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa North Cotabato.

Ito ay matapos matuklasan ang bag na naglalaman ng limang improvised explosive device (IED).

Ayon sa ulat, biglang iniwan umano ng dalawa katao ang bag nang magsagawa ng sorpresang inspeksyon ang military sa lugar.

Ang mga bomba ay gawa sa mga bala ng 81 millimeter at 60 millimeter mortar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *