kotong cops

Kotong Cops sa Bulacan, ipadadala sa Mindanao

Regional

Ipapatapon sa Mindanao ang sampung Kotong Cops na naaresto sa Bulacan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, kandidato ang nasabing mga pulis na i-deploy sa mga lugar na kulang ang police personnel lalo na sa Mindanao.

Sa ngayon ay nasa holding units ng PNP ang mga sinibak sa puwesto na mga “kotong cops” kabilang ang dalawang senior officers.

Magugunita na inaresto ang sampung Bulacan Police matapos masangkot sa extortion activities kung saan humihingi umano ang mga ito ng limampung libong piso (P50, 000) kapalit ng kalayaan ng mga nahuling suspek sa iligal na droga.

Nahaharap ang sampung “kotong cops”  sa kasong kidnapping, robbery, at violation of the anti-graft and corrupt practices act.

Samantala, tiniyak ni Albayalde na seryoso siya para linisin ang kanilang organisasyon laban sa mga police scalawags.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *