ganap nang bagyo

‘Domeng’, ganap nang bagyo

National News

Naging ganap nang bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Mindanao.

Ito, ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Weather Forecaster Aldczar Aurelio.

Pinangalanang ‘Domeng’ ang naturang bagyo at nasa category ng Tropical Depression.

Ang lakas ng hangin ng bagyong ito ay umaabot sa 45 kilometro kada-oras malapit sa sentro habang ang pagbugso naman ay umaabot sa 60 kilometro kada-oras.

Inaasahan naman ang pagkilos nito pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 14 kph.

Inaasahan namang isa pang bagyo ang darating ngayong buwan ng Hunyo maliban pa sa Bagyong Domeng.

Samantala, inihayag pa ni Aurelio na ang nararanasang pag-ulan ngayon ay epekto ng bagyo.

Posible namang ngayong Huwebes o Biyernes ay opisyal ng maidedeklara ang panahon ng tag-ulan sa bansa.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na ugaliing maging handa lalo sa panahon ng tag-ulan.

Ulat ni:  Cresilyn Catarong

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *