region xi

Drug Awareness Workshop para sa mga pulis sa Region XI, inilunsad

Regional

Pinangunahan ng Drug Free World Foundation sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police Region XI at Jose Maria College ang nasabing Drug Education and Skills Training o ang Truth About Drugs Program Seminar at workshop.

Nasa 170 pulis mula sa iba’t ibang lugar ng Region XI ang dumalo sa nasabing workshop.

Ayon kay Mr. Robert Anderson ang President ng Drug Free World Foundation at isa sa mga trainer sa workshop na mahalagang matuto ang mga pulis kung paano maipaabot nang maayos at epektibo ang masasamang epekto ng droga sa publiko lalong  lalo na sa mga kabataan at sa mga hindi gumagamit ng droga upang maliwanagan ang mga ito sa mga negatibong dulot ng bawal na gamot.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Ms. Maite Marquez ang Deputy Director ng Drug Free World Foundation Philippines sa Jose Maria College at founding president nito sa napakalaking suportang ibinigay nito sa kanila,  bukod pa sa pagpapagamit ng lugar sa paaralan para sa nasabing aktibidad.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *