2 supporter ng Maute, arestado sa Cagayan de Oro

Regional

Arestado ang dalawang hinihinalang tagasuporta ng Maute Group sa checkpoint sa Barangay Tablon sa Cagayan de Oro.

Kinilala ang mga ito na sina Eyadzhemar Abusalam at Dianne Catherine Palmitos na kapwa umano kasapi ng DAESH/ISIS cell at mga nurse mula sa General Santos City.

Ayon sa Northern Mindanao Police, ikinasa ang checkpoint matapos silang makatanggap ng impormasyon na dadaan doon ang dalawa.

Nabatid na ang mga ito ay nagpadala ng medical supplies sa Maute Group noong kasagsagan ng giyera sa Marawi City.

Sangkot din ang mga ito sa planong pag-atake sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila noong Enero.

Narekober sa mga ito ang dalawang granada at isang kalibre .45 pistol.

2 pulis, huli sa pangongotong sa Benguet

Arestado ang dalawang pulis matapos ang ikinasang entrapment operation ng Counter Intelligence Task Force (CITF) sa La Trinidad, Benguet dahil sa pangongotong.

Kinilala ang mga pulis na sina SPO3 Paulino Lubos, Jr. na nakatalaga sa Tublay Municipal Police Station at SPO4 Gilbert Legaspi na intel operative ng Benguet Provincial Police Office.

Ayon kay PNP-CITF nag-ugat ang pag-aresto sa dalawa base sa reklamo nina Ryan Albing Olsina at Jerbin Pulac Velasco na mga kolektor at operator ng small town lottery sa lugar.

Narekober sa mga suspek ang tatlong libong marked money.

Mahaharap ang dalawa sa kasong kriminal at administratibo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *