Radikal na pagbabago na isusulong ni Duterte, umani ng negatibong opinyon

National News

Radikal na nagpahayag ng opinyon ang ilang mambabatas kaugnay sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na may aasahang radikal na pagbabago sa bansa sa mga susunod na araw.

Ang pahayag ay ginawa ng pangulo bilang tugon umano sa nakaraang insidente ng krimen.

Nababahala si Kabataan Party List Rep. Sarah Elago na posibleng palawigin ng pangulo ang umiiral na Martial Law sa Mindanao at ipatupad ito sa buong bansa.

Naniniwala naman si Senador Antonio Trillanes na inililihis lamang ni Duterte ang atensyon ng mga Pilipino dahil sa mga kapalpakan umano ng kanyang administrasyon.

Pinasasampahan naman ng kaso ni Senador Kiko Pangilinan kay Pangulong Duterte ang mga sinibak nitong opisyal para patunayan na totoo ang paglilinis nito sa gobyerno.

Paliwanag naman nina Senador Panfilo Lacson at gringo honasan na mas maiging intindihin ang konteksto ng pahayag ni Duterte, pagka’t bilang abogado ay tiyak na susundin nito ang Saligang Batas.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *