demi lovato

Demi LOVATO, kinansela ang LONDON show ilang oras bago ito ganapin

Showbiz

Ikinansela ng US singer na si Demi Lovato ang kanyang sunday show sa 02 arena sa London halos mag-tatlong oras bago ito gaganapin.

Paliwanag naman ng singer sa kanyang Twitter post na “very, very sick” siya at katatapos lamang niyang magpatingin sa kanyang ear, nose and throat sa doctor.

Ayon pa sa star singer na kahit masakit man sa kanyang kalooban ay ipagpapaliban na lamang muna niya ang Sunday show dahil maaaring masira ang kanya vocal chords na makakaapekto sa mga natira pa niyang mga tours.

Kinumpirma naman ng Live Nation, ang concert producer ni Lovato na ililipat na lamang sa June 25 ang nakanselang concert ng singer.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *