nfa rice

Inangkat na NFA rice, maaari ng i-deliver

Metro News

Oras na gumanda ang panahon ay maaari ng ma-ideliver sa Metro Manila ang mga bigas na inangkat ng pamahalaan mula sa bansa ng Vietnam at Thailand

Ito ang inihayag ni NFA Spokesperson Rex Estoperez kasunod ng pagkakaantalang maideliver ang inangkat na bigas dahil sa masamang panahon.

Nitong weekend, dumating na sa bansa ang unang tranche ng inangkat na bigas ngunit hindi naman ito magawang madiskarga sa barko dahil sa sama ng panahon.

Magugunita namang nag-angkat ng bigas ang bansa dahil sa kakulangan ng stocks nito hindi lamang sa mga bodega ng NFA kundi maging sa mga pamilihan sa bansa.

Nilinaw naman ni Estoperez na mabibili pa rin ang NFA rice sa halagang P27

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *