pagdiriwang

MPD, handa na sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bukas

Metro News

Nakahanda na ngayong araw ang Manila Police District (MPD) para sa pagdiriwang ng ika-120 taong anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas.

Ayon kay Col. Erwin Margarejo ang tagapagsalita ng MPD, nakalatag na ang mga tauhan ng MPD sa kahabaan ng Roxas Blvd., partikular na sa Luneta.

Inaasahan na dadalo bukas sa flag raising sa Rizal Monument sa Luneta Park lungsod ng Manila si Vice President Maria Leonor Robredo at si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at iba pang lokal na opisyal.

Inabisuhan naman ni Margarejo ang mga motorista na dumaan sa mga alternate route dahil sa isasara ang kahabaan ng Roxas Blvd. hanggang sa Anda Circle sa port area simula alas-sais ng umaga bukas.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *