F15 fighter jet

US F15 fighter jet, bumagsak sa karagatan ng Japan

International News

Kinumpirma ng US forces sa Japan ang pagbagsak ng kanilang F15 fighter jet sa karagatan na sakop ng Japan.

“An air force F-15c Eagle crashed at about 0626 today in the waters south of Okinawa.” – Statement of US forces Japan

 Batay sa inilabas na pahayag ng US forces sa Japan, ligtas namang nakapag-eject piloto, ang tanging tao sa loob ng eroplano.

“The pilot was the only person in the aircraft and successfully ejected. Search and rescue crews have responded and successfully recovered the pilot.”

Agad ding narekober ito matapos ang aksidente.

Ayonpa sa statement, nagsasagawa ng routine training mission ang naturang eroplano bago bumagsak.

“The aircraft was conducting a routine training mission.” – Statement of US forces Japan

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang dahilan ng pagbagsak ng naturang fighter jet.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *