nasa singapore na

US Pres. Trump at NoKor Pres. Kim Jung un, nasa Singapore na

International News

Nasa Singapore na sina US President Donald Trump at North Korea leader Kim Jong-un.

Ito ay isang araw bago ang nakatakdang summit ng dalawang lider sa June 12, araw ng Martes.

Alas otso kinse ng Linggo ng gabi, June 10, oras sa Singapore, ng lumapag ang Air Force One sa Paya Lebar Air Base lulan si Trump at delegasyon nito.

Habang Linggo ng hapon naman ng dumating sa Singapore ang lider ng North Korea na si Kim.

Kaugnay nito, mahigpit na checkpoint ang ipinapatupad ngayon sa Sentosa Island sa Singapore para sa makasaysayang pagkikita nila Trump at Kim Jong-un.

Inaasahang tatagal ang matinding checkpoint hanggang June 14

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *