basura

432 truck ng basura, nakolekta ng MMDA

Metro News

Nakahakot ng umaabot sa 432 na truck ng basura ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa apat na estero na dahilan ng pagbaha sa Metro Manila.

Nakuha ang mga ito mula sa Estero de Magdalena, Estero de Pajo, Tunasan Creek at Hagonoy River.

Nadismaya si MMDA Chairman Danilo Lim sa dami ng bulto-bultong dumi na nahakot sa Estero de Magdalena sa Tondo, Maynila.

Ang naturang mga basura ay nagmula sa mga pasaway na informal settlers, public markets at  mga ospital  na malapit sa naturang estero.

Ito ay bahagi ng programa ng MMDA na linisin ang mga estero sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *