ibp

IBP, hiniling na baliktarin ang desisyon ng SC kay ex-CJ Sereno

National News

Pinababaliktad ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema ang desisyon sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa inihaing motion for reconsideration ng Board of Governors ng IBP, hiniling nila sa Supreme Court na baligtarin ang desisyon ng walong mahistrado na pumabor sa quo warranto.

Naniniwala ang IBP na ang desisyon sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida ay gi­namitan ng batas na paborable sa pamahalaan.

Ito ay upang mapatalsik sa puwesto si Sereno sa pamamagitan ng quo warranto.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *