pamahalaan

Libreng medical services, handog ng pamahalaan

National News

Nag-alok ng libreng serbisyo sa publiko ang pamahalaan sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) kasabay ng paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Noli Me Tangere Garden sa Rizal Park sa Maynila.

Sa panayam ng SMNI News kay Dolores de Vera, chairperson ng optical, dental at medical services ng NHCP, taun-taon kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan silang nag-oorganisa ng libreng serbisyo sa publiko.

Nilahukan naman ito ng mga volunteers mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at maging ng Non-Government Organization (NGO).

Kasama sa nagboluntaryo ang mga sumusunod:

  • Department of Health (DOH)
  • Philippine Coast Guard (PCG)
  • Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
  • Metropolitan Manila Developmet Authority (MMDA)
  • Manila Barangay Bureau
  • Manila Health Department
  • Team HEART (Help, Encourage, Amber, Rescue Team)
  • Ideal Vision Center

 

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *