internet

Pilipinas, pang-12 sa top 20 internet users sa buong mundo

National News

Nasa ika-labindalawang puwesto ang Pilipinas sa top 20 internet users sa buong mundo.

Umakyat ng tatlong puwesto ang Pilipinas mula sa pang-labinlimang puwesto noong nakaraang taon.

Base ito sa inilabas na resulta ng Internet World Stats’ Ranking kung saan 67-million sa 104-million na Filipino o 63 percent ng kabuuang populasyon ang gumagamit ng internet kahit ito’y mabagal.

Nangunguna ang China sa buong mundo na may 772-million users; pangalawa ang India na may 462-million users; pangatlo naman ang Estados Unidos na may 312-million users.

Pang-apat ang Brazil na sinundan ng Indonesia, Japan, Russia, Nigeria, Mexico at pang-sampu ang Bangladesh.

Habang nasa pang-labing isa ang Germany kasunod ng Pilipinas.

Pasok din sa top 20 ang vietnam, United Kingdom, France, Thailand, Iran, Turkey, Italy at Egypt.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *