lani mercado

Lani Mercado, apektado sa pagbitiw ni Montano at Teo sa DOT

Showbiz

Naapektuhan si Bacoor Mayor Lani Mercado sa pagbitiw ni Cesar Montano sa Tourism Promotions Board (TPB) at ang pagkatanggal ni dating Tourism Secretary Wanda Teo.

Ang Department of Tourism (DOT) ang major sponsor sa event ng International Marching Band na inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Bacoor  na sa unang pagkakataon ay maghu-host ang bansa.

Kilala ang Bacoor sa marching bands at ito ang atraksyon ng naturang bayan na kinikilala ng DOT.

Ngunit nagpapasalamat na rin si Mayor Lani dahil may mga kumpanyang tumulong sa kanila at nagbigay ng sponsorship.

Kaya rain or shine ay matutuloy ang 1st International Marching Band Competition na gaganapin ngayong June 22 hanggang 24.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *