world cup

Mga US citizen na pupunta sa Russia para sa World Cup, pinaalalahanan

International News

Kasabay ng pagsisimula ng World Cup ngayong linggo, nagbigay ng babala ang US National Counterintelligence and Security Center sa mga bibiyaheng mga Amerikano papuntang Russia.

Sa ulat ng Reuters, nagpaalala si William Evanina, isang FBI agent at director ng US National Counterintelligence and Security Center, na kung maaari ay iwasan muna ang paggamit ng mga electronic devices dahil posible silang maging target ng mga kriminal o maging ng Russian government.

Ayon kay Evanina, “If you’re planning on taking a mobile phone, laptop, pda, or other electronic device with you – make no mistake – any data on those devices (especially your personally identifiable information) may be accessed by the Russian government or cyber criminals.”

Dagdag pa nito, ang labis na nasa panganib sa hacking ay ang mga nasa corporate o mga government officials.

“Corporate and government officials are most at risk, but don’t assume you’re too insignificant to be targeted.”

Ang naturang babala ni Evanina ay kasunod pa rin ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng US intelligence, law enforcement at mga opisyal hinggil sa umanoy pag-hack ng Russia sa 2016 presidential election kung saan nanalo si President Donald Trump.

Mariin namang itinanggi ni Trump na nakipagsabwatan ito o nakialam ang Russia sa naturang halalan.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *