Pag-uusap nina Trump at Kim, pinapurihan ng mga senador

National News

Pinapurihan ng ilang senador ang pagkakamay nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un sa makasaysayang summit sa Singapore.

Sinabi ni Senate President Tito Sotto II na maituturing na pinaka-makahulugan ang pagkakamay at pag-uusap ng dalawang lider.

Naniniwala si Sotto na magdudulot ng kapayapaan sa mundo ang nasabing pagpupulong nina Trump at Kim.

Umaasa naman si Sen. Gregorio Honasan na ang nasabing summit ay magdudulot ng geo-political at security situation hindi lamang sa rehiyon kung hindi sa buong mundo.

Aniya, kung nagawang mag-usap ng Amerika at North Korea, hindi imposibleng magkaroon din ng maayos na negosasyon ang Pilipinas at China tungkol sa isyu sa West Philippine Sea.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *