law

Pagbabago sa law and order, tatalakayin sa Palasyo

National News

Inaasahang ilalatag ang detalye ng pagbabago sa law and order ng bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gagawing command conference sa Malakanyang na dadaluhan ng matatas na opisyal mula sa Armed Forces of the Philipines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na may gagawin itong radikal na pagbabago sa bansa sa usapin ng peace, security at order.

Ito ay bunsod na rin sa mga insidente ng krimen na nababalitaan mismo ng commander in chief at isa na dito ang holdapang naganap kahit sa umaga o tanghaling tapat.

Una ng inihalimbawa ng Malakanyang na nagdulot ng concern sa pangulo ang naganap na pananaksak kay Ombudsman Assisatant Prosecutor Madonna Joy Tanyag na kung saan, ang sinasabing motibo ay pagnanakaw.

Tutungo naman si Pangulong Duterte sa burol ni dating National Security Council Secretary at dating Congressman Roilo Golez upang makiramay sa naiwang pamilya nito pagkatapos ng command conference.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *