solong driver

Pagbiyahe ng solong driver ng provincial bus, bawal na

National News

Hindi na papayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumiyahe ang solong driver ng provincial bus ng mahigit sa anim na oras.

Ito ay batay sa inilabas na memorandum circular ng LTFRB na nagtakda ng maximum na oras na dapat magmaneho ang solong driver.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, alinsunod sa memorandum ay kailangang may kahalili ang driver ng provincial bus na lalampas sa anim na oras ang single trip.

Sinabi ni Lizada na dapat konduktor ng bus ang magsisilbing alternate driver.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga provincial bus na kailangang may alternative driver kung ang biyahe ay halos labindalawang oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *