china

Pagkuha ng China sa mga giant clam sa Scarborough, dapat ireklamo

National News

Dapat maghain ng bagong reklamo ang Pilipinas dahil umano sa paglabag ng China sa kasunduang napakaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na protektahan at ipreserba ang mga marine environment.

Sinabi ni Acting Chief Justice Antonio Carpio na ito ang tamang panahon para humingi na ng danyos ang Pilipinas sa China dahil sa patuloy na pagsira ng mga Chinese fishermen sa coral reefs sa pagkuha nila ng mga giant clams.

Ang mga coral reefs ang nagsisilbing breeding grounds o doon nangingitlog ang mga isda at kapag nasira ito ay tuluyan ng mawawala o mauubos ang mga isda sa Scarborough Shoal na idineklarang traditional fishing grounds ng mga Filipino-Vietnamese fishermen.

Magugunitang sa desisyon ng arbitral tribunal noong July 12, 2016,ay sinabi nito na nilabag o hindi sinunod ng China ang kanilang desisyong na protektahan at ipreserba ang marine environment matapos na hindi nila pinagbawalan ang mga Chinese fishermen na manguha  ng mga taklobo o giant clam sa mga coral reefs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *