diskwento

Pagpapatupad ng diskwento ng mga PUV, tututukan ng I-ACT

National News

Magsasagawa ng operasyon ang Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT para sa mahigpit ng pagpapatupad ng diskwento para sa mga senior citizen, estudyante at may mga kapansanan.

Isasagawa ang operasyon ng I-ACT katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa iba’t ibang lugar na napapanahon sa muling pagbubukas ng klase.

Nasa ilalim ng batas na kailangang bigyan ng 20% diskuwento ang mga senior citizens, PWDS, at student passengers kasabay ng pagbibigay nila ng mga identification cards.

Umapela si Department of Transportation Undersecretary at I-ACT overall head Tim Orbos, na susundin ng mga public utility vehicle drivers ang naturang pagbibigay ng diskwento.

Aniya, “I appeal to our drivers to honor the all-year round 20% discount for students, PWDS, and senior citizens.”

May karampatan aniyang parusa sa mga susuway dito.

Ayon sa kanya, “Refusing to grant such discount would cause more trouble because violators will be subjected to stricter penalties depending on the number of times the offense was committed.”

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *